Diary Entry # 7: Aksidente
May 23, 2009*Mikaela’s Point-of-View*
Sobrang kinabahan ako nung malaman ko na na-ospital si Leo. Kahit kailan ay di pa tumatapak sa hospital yun. Di naman kasi siya nagkakasakit ng malala. Isang beses pa lang siya na bed-ridden, at yun ay nung nagka-trankaso sya. Swerte lang niya at naagapan, kaya di na kinailangan pa na dalhin sya sa hospital.
Kaya nga ba masama na ang pakiramdam ko nung malaman ko na nasa hospital si Leo. Hindi lang basta aksidente yun para kailanganin pa siyang dalhin sa hospital.
Agad kong tinakbo ang Information booth at tinanong ang kwarto ni Leonard Arrevallo. Mabait naman yung nurse at mabilis kong nahanap ang kwarto niya. Pagbukas ko ng pintuan ay napansin ko agad ang lalaking may benda ang mukha. Nakaupo siya sa gitnang kama (tatlo ang kama sa kwarto na yon at yung kama sa tabi ng bintana ay nakatakip ng kurtina) at napalingon sa direksyon ko nung binuksan ko ang pintuan.
“Leo?” Tanong ko. Tumango naman ang lalaki habang nilalapitan ko. “Leo… Anong nangyari sa iyo? Bakit ka may benda sa mukha?”
Kahit na mata lang niya ang nakikita ko, pakiramdam ko naiinis na sya sa akin. Magkasalubong na ang kilay niya at umuungol ng galit. Di ba niya ako nakikilala?
“Leo… Anong nangyari sa iyo? Di mo na ba ako kilala?”
“Mika?” Familiar ang boses na iyon. Galing yon dun sa katabing kama na naka-kurtina. “Mika? Is that you?”
Nagulat ako. “L-Leo?”
Sumilip ako sa likod ng kurtina at nakita ko si Leo na nakaupo sa kama niya. May benda ang mga mata niya at di niya ako makita. Pero sigurado ako na eto na nga si Leonardo Arrevallo.
“Mika? Where are you?” tanong niya.
Teka… Kung ito si Leo… Sino itong isang Leo?!
Dahan-dahan kong binalikan ng tingin yung isang pasyente at binasa ang pangalan sa kanyang hospital bracelet. Leonidas Mendoza? Sh*t. Nakakahiya! Napagkamalan ko na siya si Leo, eh iba naman palang Leo yun. Syempre agad naman akong nag-apologize sa kanya. Aksidente lang naman ang lahat eh.
A nurse came in and fetched the other Leo, leaving me with the blind one.
“Mika?” tanong ni Leo habang pilit na kinakapa ang hangin.
“I’m here.” Sabi ko, sabay kuha sa mga kamay niya. Umupo ako sa tabi niya. At that point, I felt him starting to calm down. “Leo, what happened?”
“It was my fault. I made a miscalculation with the Exupery*. I thought I had fixed the engine but as I was doing a test drive, there was this loud pop and this… bright spark from the navigation panel that blinded me. I couldn’t see anything when they brought me here. It was a good thing that Kevin was there. He was the one who brought me here—“
Hay naku! Pinairal na naman pala ang kayabangan! Mabatukan nga!
“Ow!”
“Akala ko pa naman kung ano na ang nangyari sa iyo! Akala ko nag-crash ang airplane na sinasakyan mo tapos… tapos… Paano na kung namatay ka ha? Di mo naman inisip kung anong mararamdaman ng ibang tao! Wag ka kasing masyadong mayabang, Leo! Dapat kasi pinagagawa mo yang mga ganyan sa mga team mates mo. Eh nagmamayabang ka na naman eh. Kita mo na ang nangyari pag sinosolo mo ang trabaho mo! Kahit kailan talaga di ka marunong humingi ng tulong! No wonder why your friends keep leaving you.”
I quickly stopped. Sh*t. I shouldn’t have said that. Kung kaya ko lang ibalik lahat ng sinabi ko, ginawa ko na. But he already heard what I said. Leo gave me a sad smile. “You’re right… as always, Mikaela…”
I was thankful he couldn’t see me right now, because I was sure that a tear had trickled down my cheek. I didn’t shut up again, and opened the old wound between the two of us. Stupid stupid little me. Never knowing when to shut her big mouth.
Di ko alam kung paano niya nalaman, pero parang naramdaman din niya na tumulo ang luha ko. Dahan-dahan niyang kinapa ang mukha ko at pinunasan ang luha. For a moment, I stared at him, feeling awkward with the situation.
I quickly pulled back and tried to change the subject. “Hay si Charlene talaga! Akala ko tuloy kung ano na ang nangyari sa iyo. Dumating na ba sila dito?”
“As far as I know, you’re the first one to arrive here.” He replied.
Leo looked at me, waiting for an explanation as to why I arrived so fast. Di ko naman pwedeng sabihin na halos madapa na ako sa pag-takbo papunta dito. That I was worried he was badly wounded. Or worst… that he had died. Kaya ito na lang ang sinabi ko, “I was… in the area.”
“So much for a reunion. I’m sorry, Mikaela. I guess I ruined it.”
“Wag ka nga mag-drama dyan, Leo. Di bagay sa iyo.” Sagot ko.
“Are we… Did you come here by yourself, Mikaela?” tanong niya.
Kinuha ko ang cellphone mula sa bag ko at nagsimulang magtext sa kanila about Leo. Binasa ko ang text ni Carl. On the way na daw siya dito sa hospital. “Yup.” I replied.
“Where’s Carl?”
“He’s on his way here as well.” I said. Carl and Leo haven’t met each other before this, and I was getting pretty nervous as how things would turn out. May pagka-seloso kasi si Carl. Kung makikita niya kami ni Leo na nag-uusap, he might think that something is going on between us. Agad ako tumayo from his bed and walked over to the windows para mag-text. At habang hinihintay na mag-send, tinitigan ko si Leo. For the first time, I saw how much he has changed since I last saw him, and that was 4 years ago at our high school graduation.
Tumangkad na sya, at mas payat kaysa dati. Umitim na rin sya. Lagi sigurong nagbibilad sa araw pag nasa field sila. Naka-military cut rin ang buhok niya. From this angle, he looked a lot like a fallen soldier.
A fallen soldier who had lost in a battle.
“Mika? Mika? Asan ka? Mika?” hanap agad ni Leo.
Grabe naman ito. Panic agad? “Andito lang ako, Leo. Wag kang mag-alala. Di naman ako nawawala eh.”
“Bakit ka umalis sa tabi ko?”
Bakit iba yata ang impact ng tanong niyang iyon? Bigla akong kinabahan, kaya kaagad ko siya sinagot. “Ah… nagloloko kasi yung signal ng cellphone ko. Dito muna ako sa may bintana.” Pero ang totoo niyan, worried lang talaga ako. Anytime kasi pwedeng dumating si Carl. Hay Mikaela… Ang galing mo talagang magdahilan.
“Don’t leave me alone, Mikaela.” He mumbled. “It’s hard… being all alone…”
Di ko alam kung bakit parang iba ang dating ng pagsabi niya sa akin nun. Dahil ba sa… nagawa ko na nga siyang iwan mag-isa?
“Di kita iiwanan. Promise.” Sabi ko. Sana naman wag niyang isipin na may ibig sabihin ang sinabi kong yun.
“Thank you, Mikaela.” He said softly.
“For what?”
“For everything. You were always there for me. When I needed you the most, I could just call you up. Even when I pushed you away, you kept coming back. It was… my biggest mistake, you know… that I had taken all your efforts for granted.”
Tinitigan ko syang mabuti. Di ako makapagsalita. Si Leo ba talaga itong nagsasalita? Bakit ganun? Every word he said… tumatagos… At bawat salita… masakit…
Just like the last phonecall two years ago.
Sasagutin ko pa lang siya ng biglang may kumatok at pumasok na babaeng nurse. “Leonard Arrevallo?”
I sighed in relief. Kung anu-ano ang naiisip mo, Mikaela. You’re jumping into conclusions again. Reading between the lines when there is nothing. “Dito po.” Sagot ko sa nurse.
“Mika? Ano yan?”
“Lunch mo.” Sabi ko kay Leo. Kinuha ko yung tray ng pagkain at nilapag sa maliit na desk sa tabi ni Leo. Nagpasalamat ako sa nurse at pagkatapos ay iniwan na niya kaming dalawa.
“What’s for lunch?” he asked.
“Beef with Brocolli… rice… and a banana…”
“Brocolli… Ewww. I hate broccoli! Didn’t mother tell them that?”
Hay ang arte! Kala mo babae eh. “This is a hospital, Leo. Hindi karinderya. Pare-pareho lang ng ulam ang lahat ng pasyente. That is, unless you are allergic to it. Wag ka nga mag-inarte. Kumain ka na!”
“You’ll have to feed me.”
WTF! “EH? Ano ka sinuswerte?!”
“How do you expect me to eat when I can’t see my food?” he grumbled. “And don’t put the brocolli. You know how much I hate brocolli.”
“Aba! Ano ako? Katulong mo? Hintayin mo na lang si Tita Sharon!”
“But I’m hungry.” Asus! Nagmamakaawa kuno oh.
“Arte mo.” Bulong ko habang naglalagay ng kanin at ulam sa kutsara. “Oh! Nganga!”
Binuksan naman ni loko ang bunganga nya at sinubo ko ang mainit pang kanin. Hayun, napaso tuloy! Nakakatawa ang hitsura niya habang pinipigilan niyang maibuga ang kanin.
“Stop laughing, Mika! It’s not funny!”
Hahahaha! Asar-talo! “You should have seen your face!” Tawa pa rin ako ng tawa. Hindi ko tuloy napansin na pumasok na pala ang Mommy niya sa ward.
“Oh, dumating na pala ang pagkain mo, Len.” She then turned to me and smiled “Antagal na nating di nagkita, Mikaela! Dalagang dalaga ka na ha! Graduate ka na?”
“Opo tita.” I then told her about the magazine I am currently working for and she congratulated me about it.
“Naku itong si Leo, ewan ko ba kung ano balak nito sa buhay.” Tita Sharon laughed.
“Mother, stop laughing! This girl tried to kill me!” reklamo ni Leo.
Tumawa lang lalo si Tita Sharon. “Andyan na yata yung mga kaibigan niyo sa labas, Mikaela. Papasukin mo na nga sila dito. Ako na bahala sa batang ito.”
“Mother! Stop treating me like a child! Especially in front of them!”
“Tumigil ka nga, Len. Oh siya. Kain na!”
Paglabas ko ng kwarto may na receive akong text galing kay Carl. May emergency daw sa bahay nila kaya umuwi din sya agad. Tawagan ko na lang daw sya kung pauwi na ako. Saktong pagkatapos kong mag-reply ay nakita ko na ang mga classmates ko sa hallway.
“Oy, Mikaela!”
“Charlene!”
“Kamusta na si Leonard?” tanong ni Timothy.
I gave them a mischievous grin and motioned them to take a peek inside by the glass window on the door.
Ang lakas ng tawanan namin lahat nang makita nilang sinusubuan ni Tita Sharon si Leo ng pagkain na parang baby. Hayun, nagalit tuloy sa amin yung dumaan na nurse at pinagsabihan kami.
Tumatawa pa rin kami nung pumasok na kaming lahat sa kwarto ni Leo. Syempre nagalit na naman ito dahil ang kukulit naming lahat.
Nakakatuwa kaming pag-masdan sa malayo. Parang walang nangyaring tension sa aming dalawa ni Leo. Parang yung dati lang, before Carl came along and I broke Leo’s heart. But whenever I see his bandaged eyes looking at my direction, I could still feel the sadness in the eyes behind them…
And the pieces of the heart that I broke.
“Oh, Mikaela! Natahimik ka yata?” asar na sabi ni Gerald sabay hila sa buhok ko.
“Aray! Bruha ka! Ba’t mo ako sinabunutan?” reklamo ko.
Nagulat kami ng biglang tumawa si Leo. “Mika, you haven’t changed. You’re still the silly little girl that I…”
“Tigilan niyo nga ako!” sigaw ko bago pa matapos ni Leo ang sasabihin niya. “Loko loko ka talaga Din-din**!
Tumawa sila ng malakas, except Leo and me. Leo turned to my direction again, as if asking me why I abruptly stopped him in mid-sentence, and I felt guilty. I quickly looked away before anyone could notice.
“Dito muna kayo, guys. Tawagan ko lang si Carl.” I said, leaving the room. As soon as I closed the door, I ran towards the Ladies Room and stared at myself in the mirror.
I could barely recognize myself.
Mabilis akong nag-hilamos at lumabas ng Ladies Room para tawagan si Carl at sunduin na ako.
Kinuwento ko ang lahat ng ito kay Carl nung dumating sya nung hapon para sunduin ako. Syempre, di ko na sinabi na sinubuan ko ng pagkain si Leo. Siguradong magseselos kasi sya. Tahimik lang syang nakikinig hanggang sa ihatid niya ako sa gate ng bahay namin.
“Love? Are you alright?” I asked him. Nag-aalala na talaga ako. Ang sungit kasi ng mukha niya.
“I’m alright, love.”
“Lika na.” sabi ko sabay yaya sa kanya na pumasok ng bahay.
“Wag na. Kailangan ko na din umuwi agad.” Sagot niya.
“Okay. Are you sure you’ll be fine?”
He nodded, kissed my lips and quietly left.
I touched my lips as I watched him walk away.
His kiss was cold.
I knew something was wrong. I reminded myself to call him tonight and talk it out.
As I punched the numbers and waited for Carl to pick up the phone, bigla kong naalala yung sinasabi ni Leo bago ko barahin.
“Mika, you haven’t changed. You’re still the silly little girl that I…”
Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko na possible answers. Dalawa dun ang tumatak sa utak ko…
“You’re still the silly little girl that I love.”
Or
“You’re still the silly little girl that I used to love.”
To be continued…
~ @ ~ @ ~ @ ~
Footnote:
*Exupery – eto ang name na binigay ni Leo sa concept airplane na ginawa niya noong highschool at binubuo ngayon. Galing ito sa name ng famous pilot and philosopher na si Antoine de Saint-Exupery, ang author ng “The Little Prince”.
**Din-din ang nickname ni Gerald. Gusto kasi niyang name ay Geraldine.


