Unang Tawag
May 15, 2009Unang Tawag
8:00 p.m.
September 21, 2000
Rodriguez Residence
“Hello?”
“Good evening po. Pwede po bang makausap si Mikaela?”
Pamilyar kay Mikaela ang boses, ngunit di niya maalala ang may-ari ng boses na ito.
“Sino ‘to?”
“Huwag ka nang magpanggap na di mo ako kilala, Mika. Ako ito. Si Leonard.”
Natigilan si Mikaela. “Oh. My. God. Leo? Leo, is this really you?”
“Who else are you expecting? You’re boyfriend?” tanong nito.
“F.Y.I. Wala pa akong boyfriend. And I’d rather die than have you as a boyfriend!” Inis na sabi ni Mikaela.
Natawa si Leo. “Wala naman akong sinasabing ganyan ah. It was your conclusion.”
Lalong nainis si Mikaela. “Ano bang problema mo? Ba’t ka tumawag? Kala ko ba wala ka nang balak tawagan pa ang mga classmates mo nung highschool after graduation?”
“Kailangan ba laging me dahilan para tumawag?” Iritang tanong ni Leo.
“Hindi naman. Nakakapanibago lang kasi eh.”
“Busy ka ba?”
“Oo. Gumagawa ako ngayon ng homework.”
“Sige, tatawag na lang ako ulit. Bye.”
“Oy, Leo, sandali—“
Pero bago pa maka-hirit si Mikaela ay naibaba na ng kanyang kausap ang telepono. Asar niyang binaba ang telepono at nagpatuloy sa pagtapos ng homework niya sa computer.
Ano bang problema ni Leo? Naisip ni Mikaela. Ba’t bigla bigla na lang tumatawag tapos ibababa din pala. Ang labo niya talaga kahit kailan.
May bigla siyang naalala. Di tipo ni Leo ang tumatawag na lang basta-basta. Baka nga may problema itong si Leo kaya siya biglang napatawag.
Eh ano ngayon kung me problema sya? Ba’t di niya tinawagan si Timothy? Or si Jerome? Bestfriends niya yun, di ba? Bahala na siya sa buhay niya. Sabi ni Mikaela sa sarili habang pilit na nag-coconcentrate sa kanyang ginagawa.
Lumipas ang ilang minuto at di pa rin mapakali si Mikaela. Ilang beses niyang sinubukan mag-type para sa ginagawang essay pero binubura niya ito ulit. Walang magandang idea ang pumapasok sa isip niya. Lalo lang siyang nag-alala sa kalagayan ng kanyang dating kaklase. Muling pinagalitan ni Mikaela ang sarili niya. Wag ka nga mag-isip ng kung ano-ano, Mikaela. Tatawag ulit yun kung importante. Alam mo naman yun, di naman sumisira sa mga pangako niya.
Ibabalik pa lang sana ni Mikaela ang focus niya sa essay ng biglang nag-ring ang telepono. Agad-agad niya itong inangat at sinagot. Tangkang aawayin na niya ang nasa kabilang linya pero nagulat siya nang boses ng babae ang sumagot sa kabilang linya.
“Hello? Um, pwede po ba kay Travis? Si Giselle po ito.”
Muli na namang nainis si Mikaela sa sarili. Ang tawag na iyon ay para sa kanyang kuya at hindi sa kanya. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit ba bigla siyang natataranta dahil sa isang tawag ni Leo?
Pinakalma muna ni Mikaela ang sarili bago sinagot ang kausap. “Sandali lang po, Ate Giselle. Tawagin ko lang si Kuya.”
Pagkatapos ibigay sa kanyang kuya na nasa kabilang kwarto ang telepono, bumalik agad si Mikaela sa kanyang silid at hinarap ang computer. Pero hanggang ngayon, si Leo pa rin ang sumasagi sa isip niya. Tatawag kaya siya ulit o hindi? Tanong niya sa sarili.
Imbes na pilit ipagpatuloy ang pagsusulat, naisip na lang ni Mikaela na kinabukasan na lang tapusin ang homework at saka pinatay na ang kanyang computer. Habang iniintay ito na mamatay ay tahimik siyang nakikinig sa usapan ng kanyang kuya sa kabilang kwarto. Mukhang matagal-tagal pa mag-uusap ang dalawa. Kanina pa siguro tumatawag ulit yun. Hay. Wala akong magagawa. Kausap ni Kuya ang girlfriend niya. Di ko na kasalanan yun kung di niya ako macontact.
To be continued…


