"Tuwing gabi... Pag nag-riring... Ang Telepono... Ikaw ang naiisip ko..."

Home » Post Item » Ikasiyam na tawag

Ikasiyam na tawag

June 1, 2009

Ikasiyam na tawag

5:56 p.m.

January 25, 2003

Arevallo Residence

 

Halos kararating pa lang ni Leonard galing school nang biglang nag-ring ang telepono nila. Since there was nobody at home besides him at that time, he immediately picked it up.

 

“Hello?”

 

“Fafa Leonard!!! Homhaygosh! Grahbeh! Pumunta ka dito dali!!!”

 

Leonard frowned. “Who is this?”

 

“Ay, anetch ba, Leonard. Si Gerald toh. Was na oras para makipag-chokaran! Punta ka na ditetch sa bahay ni Mikaela! Dali!!!”

 

Biglang kinabahan si Leonard at the mention of Mikaela’s name. “Why? What happened to Mika?”

 

“Itech kasing lolah moh. Kirarir yung papa niya kaya ayan Bitter Ocampo dahil break na sila. Hay nakuh! Na-iimbyerna na talaga ako sa boylet niyang yun! Ayan, crayola fatale ang lolah moh dahil sa baklush na yun.”*

 

Sa totoo lang, walang naintindihan si Leonard sa mga sinabi ni Gerald. But hearing the frustration in his/her voice convinced Leonard that something terrible did happen to Mikaela at kailangan niyang pumunta dun ngayon. “Where is she right now?”

 

“Andun sa kwarto niya. Emote ever. Sabi ng kuya niya di pa daw siya lumalafang buong araw. Naku! Worried na ako, fafa Leonard! Ayaw na niya kami kausapin. Baka nag-laslas na yung lolah moh!”

 

“Sh*t. I’ll be right there.”

 

Agad na binaba ni Leonard ang telepono at tumakbo sa ulan na walang dalang payong. Wala nang ibang nasa isip niya kundi ang makarating sa bahay nila Mikaela. Di na niya inisip na magkakasakit sya. O yung muntik na syang mabangga habang tumatawid.

 

Ang alam lang niya, kailangan niyang makarating sa bahay ni Mikaela as fast as he could.

 

Stupid Carl. He didn’t fulfill his promise. He didn’t take care of Mikaela. And now, I will take her back.

 

*Ang ibig sabihin ni Din-din dito ay “Masyado kasing sineryoso ni Mikaela ang boyfriend niya kaya sobrang lungkot na niya dahil break na silang dalawa. Naiirita talaga ako sa Carl na yan dahil sa ginawa niya kay Mikaela. Kaya ayan, todo iyak si Mikaela dahil kay Carl.” (Wala akong alam sa pag-gamit ng gay lingo. Kay sana patawarin ako ng mga gay na readers kung mali ang pag-gamit ko. Paki PM na lang po ako for corrections. Para sa translation at iba pang gay lingo, punta na lang kayo dito: http://wildquaker.blogspot.com/2007/12/gay-lingo-dictionary.html)

Posted by telepono at 6:18 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment