"Tuwing gabi... Pag nag-riring... Ang Telepono... Ikaw ang naiisip ko..."

Home » Archives » 22. May 2009

Ikapitong tawag

May 22, 2009

Ikapitong tawag

9:26 a.m.

December 13, 2002

Inside the MRT (thru Mikaela’s Cellphone)

 

Tahimik na nakatayo si Mikaela sa loob ng MRT habang iniisip ang Christmas reunion na pupuntahan niya. Ilang taon na nga ba simula ng huli niyang nakita ang mga Highschool friends niya? Mga halos limang taon na rin yun.

 

Matagal na rin silang di nagkikita-kita. Ano na kaya ang hitsura nila? Sila Timothy at Samantha pa rin kaya? Eh si Gerald? Talaga kayang may boyfriend na ang bading nay un? Natawa si Mikaela sa sarili niya. Hay… Excited na talaga siya.

 

Nang bigla niyang maalala ang isang tao.

 

Si Leo kaya? Pupunta kaya siya sa reunion? Malamang sinabihan na siya ni Timothy about it. Mikaela sighed. Hanggang ngayon, di pa rin sya sigurado kung kaya ba niyang harapin si Leonard.

 

Two years na silang hindi nag-uusap ng binata. Wala rin syang balita mula sa mga common friends nila about him. Laging tinatanong ni Mikaela ang mga kasama niya sa bahay kung tumawag ba si Leonard. Pero napagod din sa pagtanong si Mikaela. Hanggang sa sumuko na lang siya.

 

And just like that, Leonard disappeared from her world.

 

Kamusta na kaya siya? Siguro naman tinupad na niya ang pangarap niyang magpalipad ng mga eroplano. Muling napangiti si Mikaela. It would be pretty ironic if the pilot of the plane that would take Carl and me to Japan would be him. Naisip niya bigla ang boyfriend na i-mimeet nya ngayon bago dumiretso sa school nila. Nandoon na ito two stations from where her train was about to stop. They would really love Carl.

 

Biglang nag-ring ang cellphone ni Mikaela. It was Charlene, one of her highschool friends, on the other line.

 

“Hello?”

 

“Hello? Mikaela?”

 

“Charlene? Andyan ka na ba sa school? On the way na ako. Nakasakay na ako sa MRT.”

 

“Mikaela! Pumunta ka dito sa hospital. May masamang nangyari.”

 

“Ha! Hospital?” Nagsimulang mag-panic si Mikaela. Anong ginagawa nila sa hospital? “Bakit?! Ano nangyari?!”

 

“I just heard this from Jerome. Leonard and his classmate were doing a flight exam today and there was an accident. Di ko alam ang details. On the way na kami ngayon sa hospital, pero medyo malayo pa kami. Nasaan ka ba ngayon?”

 

Sinabi ko kung aling MRT station na ako. “Great. Mas malapit ka pala dun. Mauna ka na pumunta doon. We’ll just meet you there, okay?”

 

“Okay. Sige.”

 

Charlene hung up after giving Mikaela the full details about the hospital and how to get there. Paghinto na paghinto ng MRT ay agad na lumabas si Mikaela at tumakbo papunta sa sakayan ng dyip. In her head, she was praying that Leonard would be okay.

 

Please Lord, let him be okay. Don’t let Leo die.

Posted by telepono at 4:51 pm | permalink | Add comment