Diary Entry # 3: Ulan
May 20, 2009*Mikaela’s Point-of-View*
“Malamang umuwi na yun. 12 o’clock ang usapan, right?” I thought aloud.
Nagulat ako ng sumagot ang katabi ko na si Carl. “Huh? Sino?”
“Ah, wala. Wala…” sabi ko sa kanya. Sa sarili ko, iniisip ko na kung ano ang gagawin ko. Sabado ngayon. September 30. Alas-dose na ng tanghali, pero andito pa rin ako sa school. Kaninang 10 a.m. pa natapos ang meeting namin, at dapat, papunta na ako ng Baywalk to meet Leo. Kaso, biglang umulan ng malakas. Dalawang oras na akong naghihintay na tumila ito. Sa lahat ng oras na wala akong dalang payong, ngayon pa.
“Di ka pa umuuwi? Malakas na ang ulan ah.” Tanong ni Carl.
Si Carl, or Carlos Benavidez ang assistant secretary ng Literati, ang university-wide book club kung saan P.R.O. (Public Relations Officer) ako. Mas matanda ako sa kanya ng isang taon, sa edad at sa year level. Second year Fine Arts student sya, pero in all fairness, mature syang mag-isip. Habang ako naman, nasa 3rd year na ng pag-aaral ng Journalism. Sa tingin ko, tuwing may meeting, kaming dalawa lang ni Carl ang talagang nakikinig sa usapan, kaya naman pagkatapos ng meeting, kaming dalawa rin ang madalas na naiiwan para pag-usapan ang napag-mitingan.
Nakakahiya sa kanya, pero inamin ko din ang dahilan. “Wala akong dalang payong eh.”
“Bakit kasi di ka nagdadala ng payong? Alam mo naman na unpredictable ang weather.” Sagot nito sabay tingin sa langit na patuloy pa rin ang pagluha. “Teka, hintayin mo ako dito ah. Wag kang susugod sa ulan.”
Tinitigan ko si Carl habang pabalik siya sa loob ng office ng Literati. Isa lang kasi naisip ko habang hinihintay siyang bumalik.
If Leo was here, he would have said the same thing.
Anu ba yan?!!! Si Leo na naman ba naiisip ko?!
Bumalik na si Carl mula sa office na may dalang isang folding umbrella at isang itim na waterproof jacket. “Sorry to keep you waiting. Here.” sabi niya, sabay abot sa akin ng payong.
“Di ba jacket ni Edward yan? Pano ka?” tanong ko.
“Ed won’t mind. Ok na ito.” Sagot niya, sabay suot ng jacket. “Tara. Hatid na kita sa sakayan.”
“Ano ka ba? Ayoko! Pag nagkasakit ka, konsensya ko pa.”
Carl shrugged and took the umbrella from my hands. Then he took off his jacket and draped it over my shoulders.
“Ano to? Ibalik mo na itong jacket ni Edward sa office. Hihintayin ko na lang tumila ang ulan. Hihina na rin yan.”
Kinuha niya ang hood ng jacket and covered my head with it. Sinadya niyang ilagpas to cover my eyes, and for a moment, I was under the darkness of the hood. Pagkatapos ay binuksan ni Carl ang payong sabay akbay sa akin. “Halika na.” He smiled.
“Pero Carl…”
“C’mon. You don’t want to be late for your appointment, right?”
I was staring at him habang sinusugod namin ang ulan. “H-How did you know?”
“Tingin ka kasi ng tingin sa orasan. Ganyan ka lang naman kung me pupuntahan kang importante eh.” Naramdaman ko na lalong humigpit ang akbay niya. “Lapit ka sa akin. Nababasa ka na, oh.”
Sinunod ko ang sinabi niya dahil naramdaman ko rin na nababasa na ang right side ko. Sobrang close ko na sa kanya that my left ear brushed close to his chest. I could hear his steady heartbeat. I could smell his musky perfume. I could feel his warmth… even in the rain.
And I could feel that I was feeling warm inside as well.
Hindi ko namalayan na nakalabas na pala kami ng campus until he swore. “Sh*t”. He apologized afterwards.
Saka ko lang nakita ang kalsada. Oh sh*t.
Dahil sa biglang buhos ng ulan, bumaha na sa paligid ng campus. Mababa lang naman. Hanggang sa ankles. Kailangan ko pang tumawid sa kabila para makarating sa sakayan pauwi. At para gawin yun, kailangan kong lumusong sa baha. Kahit ba naka T-shirt at pants ako ngayon, ayokong gawin yun.
“Kailangan mong tumawid, di ba?” tanong ni Carl.
I nodded. “Hanap na lang tayo ng tulay. Meron naman yan eh.”
“Wag na.” Nagulat ako ng biglang binigay niya sa akin ang payong at umupo si Carl sa harap ko, his back facing towards me. “Sakay na.”
“Ano ka ba, Carl? Tumayo ka nga dyan!”
“Kailangan mo tumawid di ba? Lika na. Itatawid kita.” He said smiling.
“Pero… mababasa ka…madudumihan yang damit mo… masisira ang sapatos mo. Tsaka mabigat ako.”
“Madali lang magpatuyo. Ang T-shirt ko, pwede kong labhan pagkatapos. Andyan naman ang shoe repair shop kung masira ang sapatos ko. Don’t worry about me, Mikaela. I don’t care kung mabigat ka. Basta kumapit ka ng mabuti ha?”
It was… The most wonderful feeling I ever felt. No amount of words would be able to describe it. Riding on his back as we crossed the murky floodwaters, I felt that I was on top of the world. No guy has ever done this for me before. I never really felt as important to someone as I did now.
Carl made me feel like I mean a lot to him.
And I forgot everything else.
*blush*
Karga pa rin niya ako sa likod niya hanggang sa mismong sakayan ng dyip. Only then did he let me get off his back. I gave him back the jacket and umbrella, but he refused to take the umbrella. Isoli ko na lang daw sa Lunes. Hinintay niya akong makasakay at sinundan ng tingin ang dyip hanggang sa lumiko na ito sa kanto at di ko na sya nakita.
Pagdating ko sa bahay, malakas pa rin ang ulan.
That night, Carl called me at home to check up on me. The phone call lasted for more than two hours. After that call, I looked at myself in the mirror.
I was smiling. Both inside and out.


