Ikalimang Tawag
May 20, 2009Ikalimang Tawag
8:57 p.m.
October 10, 2000
Rodriguez Residence
“Hello, Mika! Happy Birthday!”
“Sino to?” Malalim ang boses ng nagtanong, and for a moment, it confused Leo. Then he remembered Travis, Mika’s older brother.
Embarrased, Leonard apologized. “Leonard Arrevallo po. Umm, andyan po ba si Mika?”
“Ah, Leo. Wala pa si Mika eh… ay teka, andyan na pala sya. Sandali ah.”
Leonard heard Tristan put the handset aside para pagbuksan ng pintuan si Mikaela.
“Salamat sa paghatid sa kapatid ko, Carl.” He heard Tristan say.
“Pasok ka muna, Carl. Gusto mo ng juice?” It was Mikaela who spoke this time.
Carl? Leonard thought. The assistant secretary of Literati. What is he doing at Mika’s house?
“Wag na, Mika. Nakakaistorbo na ako.” Another deep voice. This one unfamiliar. Leonard supposed this was the voice of Carl. “Mauuna na ako. Sige po. Happy Birthday ulit, Mika.”
“Bye, Carl. Ingat ka sa daan ah.” Mikaela said, closing the door behind her. “Ba’t ganyan itsura mo, kuya?” her voice was irritated.
“Boyfriend mo yun ano? Susumbong kita kay Mama.” Tristan declared aloud.
“E di magsumbong ka. Kaw nga, basted na naman eh.”
“Oy hindi ah.”
“Asus. Tignan mo nga. Malinaw ang ebidensya. Naka-hang pa ang telepono. May pinapaiyak ka na naman na babae ano?”
“Ay hindi. Si ano yan… yung boyfriend mo nung highschool?”
“Ano ka ba, kuya! Ba’t di mo sinabi agad?” Mikaela got the handset and spoke. “Hello? Leo?”
All she heard was the busy tone of the phone from the other line.
“Oi, kuya! Niloloko mo yata ako eh. Wala naman tao dito sa telepono ah.” Sabi ni Mikaela, sabay baba ng handset sa telepono.
“Hindi. Andyan kanina yung… sino ba yun?”
“Leo?”
“Oo. Tama. Si Leon. Kausap ko kanina.”
“Leo! Hindi Leon!” sigaw ni Mikaela habang muling inaangat ang handset ng telepono at nagsimulang idial ang number ni Leonard.
Pero kagaya ng mga naunang gabi, puro ring lang ang narinig ni Mikaela sa kabilang linya. Pagkatapos ng sampung ring ay binaba na niya ulit ang telepono.
Was it really Leo? Did he really call? Mikaela thought as she stared at the telephone. Pero bakit di niya sinasagot ang mga tawag ko? Ano ba talagang problema ng sira ulong yun?


