Diary Entry # 2: Partners
May 18, 2009*Mikaela’s Point-of-View*
Mag-iisang linggo na simula nung huling tumawag si Leo. Ewan ko ba dun sa sira ulo na yun. Tatawag tawag para sabihin na may girlfriend na sya. Tapos eto na naman, zero communication. Ang labo talaga niya kahit kailan.
Maski sarili ko di ko maintindihan. Di naman ako nagseselos sa Krrriiissstiiinnneee na yan. Naiinis lang ako at naunahan niya ako na magkaroon ng tinatawag niya na significant other.
Hay…
At least, he has found himself a new partner.
What am I saying? Sh*t. Its not like we really were partners.
Groupmates. Partners in group projects. But never “partners”.
Ewan ko ba dun sa mga teacher namin nung highschool. Dahil lang nakita kaming laging magkasama noong first year, kami na lang ang laging pinagpapartner sa kahit na anong group work or project. Sa pag-dissect ng palaka sa Biology. Sa Spelling Bee. Sa presentation para sa Linggo ng Wika. Pati sa pagiging Prayer Leaders sa Morning Sermony… este… Morning Ceremony… kami pa ring dalawa ang magkasama. Kaya tuloy madalas kaming tuksuhin ng batchmates namin na kami na. Lagi nilang tinatanong kami kung boyfriend ko na ba si Leo or girlfriend ba niya ako. Ang hindi nila alam eh kaya lang kami laging magkasama noon ay dahil ako nga ang Campaign Manager niya. Kung bakit kasi laging kelangan me approval pa niya ang lahat ng campaign materials bago ipaskil. Kaya wala akong magawa kundi sundan siya kahit saan.
Naalala ko tuloy yung one time na dinumog ako ng mga fangirls niya. (Akalain mo, may fangirls ang loko na yun?) 3rd year highschool na kami ni Leo, and were still going on the same class. Pauwi na ako noon galing library at dumaan lang saglit sa CR. May dalawang babae dun na nag-tsitsismisan tapos biglang natahimik nung pumasok. Pinagtitinginan nila ako ng masama pero di ko sila pinansin. Pag labas ko ng cubicle, may kasama na silang isang Senior na mas matangkad sa akin. Lahat sila, masama ang tingin sa akin.
“Hoy. Tigilan mo nga ang paglalandi mo dyan kay Leo. Ang kapal din ng mukha mong dumikit dikit sa tabi niya. Di ka naman kagandahan. Di ikaw ang type niya ano kaya wag ka na mangarap na magugustuhan ka niya.” Galit na sabi ng leader nila habang dinuduro ang daliri sa balikat ko.
“Ano bang sinasabi mo?” tanong ko.
“Papaka-inosente ka pa dyan, eh ang landi landi mo naman! Kala mo kung sinong girlfriend ni Leo. Itong panget na babaeng ito lang pala.”
Natawa ako dito sa sinabi niya. “Excuse me, pero pwede ba, wag mo akong pagbibintangan. Di ko boyfriend si Leo, okay? Wala naman akong gusto sa kanya—“
Di pa ako tapos magsalita bigla akong sinampal ng babaitang yun!
“Magsisinungaling ka pa! Naiirita talaga ako sa iyo at sa ugali mo. Di ko alam kung bakit sumasama pa rin sa iyo si Leo!”
I heard a familiar voice from behind her. “Did I give you permission to call me that, miss?”
Natameme ang bruha habang dahan dahan silang napatingin sa likod nila. Parang eksena sa koreanovela. Leo appeared out of nowhere, the sunset shining behind him so that all you could see is his silhouette. Kung bigla kong maririnig ang “Hallelujah” (yung kanta sa simbahan, hindi yung kay Bamboo) as background music, baka naisip ko na nananaginip ako or patay na ako. Kasi kahit kailan, di papasang santo si Leonard Arrevallo.
Sinubukang magdahilan ng Senior, pero parang naputulan ng dila at di makapagsalita ng maayos. “L-Leo… I-I… T-this girl… s-she…”
Mabilis na lumapit sa akin si Leo at kinaladkad ako paalis. “Come on, its getting late. Let’s go home.”
“Leo! Ano ba?… Teka! Nasasaktan ako, Leo!” reklamo ko. His grip was getting tighter as we walked and ilang beses na rin ako muntik madapa.
“Ano bang nakikita mo sa babaeng yan at pinagtatanggol mo siya, Leo?!” sigaw ng Senior na umaway sa akin kanina.
Tumigil si Leo sa pagkaladkad sa akin at tinitigan ang Senior. “It’s none of your business, Miss. And stop calling me Leo. You don’t have the right to call me by that name.”
Doon ko narealize na ako lang pala sa buong campus ang tumawag sa kanya ng Leo. Iyon na ang tinawag ko sa kanya during the campaign days and the nickname kinda stuck. All this time I thought na lahat ng tao sa kanila yun ang tawag sa kanya.
Tinignan niya sandali ang namumula kong pisngi at for the first time, nakita ko ang galit sa mga mata ni Leo. I’ve never seen this side of him before, and it caught me by surprise. Wala akong nagawa kundi ang sumunod nung sinabi niya “Let’s go home, Mika.”
Di sya nagsasalita sa buong byahe at natakot naman akong magsalita. Galit pa rin kasi siya. Gabi na nung nakarating kami.Hinatid ako ni Leo hanggang sa gate ng bahay namin with his hand still on my arm. When I bid him farewell, he just gave me a wave and a short nod, and I watched him disappear into the night. And when I entered the house, I could still feel his tight grip lingering on my arm.
As if he didn’t want to let me go.
Isang oras ang lumipas pagkauwi ko ng bahay, biglang tumawag si Leo.
“I’m sorry about what happened to you, Mika.”
“Wala ka naming kasalanan, Leo… I mean… Leonard—“
“Stop calling me so formally, Mika. You didn’t deserve to be treated the way she did to you. If I were there by your side, you wouldn’t have gotten hurt.”
“It’s not your fault, Leo. Understand?”
“I’m not going to leave your side anymore, Mika. From now on. I promise.”
Di ko na alam kung ano ang nangyari sa mga fangirls ni Leo. Naglaho sila na parang bula after that day. Last I heard of them, nabuwag na ang fan club niya.
Tinupad nga ni Leo ang pangako niya. Araw-araw, hanggang sa mismong araw ng highschool graduation namin, hinahatid-sundo niya ako to and from school. He didn’t go home until he was sure I had entered our house. Kahit nung nagkasakit sya, pinilit pa rin niyang tumagal ng isang araw para lang maihatid ako sa bahay. (It ended up na ako ang naghatid sa kanya sa bahay nila). He would often call to check on me, and a lot of times, it got pretty irritating.
It was like having my very own stalker.
But I didn’t mind. Because I knew that I was with someone I trusted. And I knew that with him, I am safe.
To be continued…


