"Tuwing gabi... Pag nag-riring... Ang Telepono... Ikaw ang naiisip ko..."

Home » Post Item » Diary Entry # 1: Leonard

Diary Entry # 1: Leonard

May 16, 2009

 *Mikaela’s Point-of-View*

Highschool kami unang nagkakilala ni Leonard Arrevallo. Noon pa man, mataas na ang pride at ma-prinsipyo si Leo. Akala mo naman, ka-gwapuhan siya. Palibhasa kasi, mestisuhing half-American kaya marami ang nag kakacrush sa kanya noon. But not me. Siguro kasi kahit unang araw ko pa lang siya nakita, alam ko na maitim din ang budhi ng lalaking ito. Ang Daddy niya ang Amerikano. Filipina naman ang mommy niya. Sa kanya ko natutunan ang ibig sabihin ng Dual Citizenship.

First year highschool ko siya nakilala. Unang araw pa lang niya sa school nuon pero ang yabang-yabang na niya. Akala mo naman presidente siya ng klase kung umasta. Kaya para mabawas bawasan ang pagiging mayabang niya, sinali ko ang pangalan niya sa mga tumatakbo for student council. Gusto ko kasi syang makitang bumigay sa pressure. Nagkataon kasi na sa partido ng kaibigan ko, naaksidente ang kasama nilang tumatakbo for SC President. Doon ko nilista si Leo. Leonard Arrevallo for Student Council President. Nalaman na lang niya na kasali pala siya doon noong nilabas na ang announcement for the voting of the Student Council.

Akala ko magagalit siya sa akin noong nalaman niya na ako ang nag-sign up sa kanya for the position. Expected ko na yun, pero di ko akalain na bigla niya akong tatawagan sa bahay para pag-usapan ang tungkol doon.

“Bakit mo ako ni-nominate for Student Council President, Mika? Do you know just how big a responsibility that is?” sabi ni Leo.

Pagkatapos noon ay nilista niya lahat ng mabibigat na responsibilities ng isang Student Council president at kung bakit pwedeng di niya magawa lahat ng iyon. Matatakot na sana ako kasi seryoso ang boses niya. Eh mayabang pa rin ang dating eh. Kaya naman daw niya mag-multi task at mag lead ng mga tao dahil may experience na siya as a class officer for 3 years nung nasa elementary pa siya. Paano daw siya mananalo eh hindi naman daw niya alam kung responsible at independent ang mga ka partida niya. At bakit daw wala man lang matinong campaign manager. Sobrang pangit ng mga posters. At kung ano ano pang mga reklamo.

Kaya ayun, di ko na naman napigilan ang aking sarili na mag-taray.

“Wala ka nang magagawa. You’re already registered as their party’s President. If you back out, the whole party would be disqualified in the elections.” Sagot ko.

Actually, dinagdag ko lang yung disqualification para ma-konsensya naman sya. Di naman sila ma-disqualify eh. Di lang sila makakasama sa Party voting dahil wala silang Presidente. Laking gulat ko nung gumana. Di ko tuloy alam kung nauto ko nga siya o ako ang inuutakan niya.

“If that’s the case, then I would have to push through with this.”

Naisip ko noon…. Hay salamat. Ang dami mo pang arte, tatanggapin mo rin pala.

“But— Since you nominated me for the position and seriously believed that I could do the job, well, I want you to be my Campaign Manager, Mikaela. Starting tomorrow.”

Ambilis talaga ng karma.

Ewan ko na kung paano natapos ang usapan naming dalawa noong gabing iyon. Basta ang natatandaan ko, nanalo rin naman siya for President that year, all thanks to me of course. At ginulat niya ako. He wasn’t only able to do his job well, nagawa pa niyang mag top sa klase at manalo ng scholarship sa Aeronautics school na pinapasukan niya ngayon. Hindi ko na sya ni-nominate noong sumunod na taon. Ayoko na kasing maging campaign manager niya ulit. Dalawang buwan din akong nagsawa kakatitig sa mga posters at flyers kung saan nakapaskil ang mukha niya.

Pero nakuha niya ang respeto ko pagkatapos ng tawag niyang iyon.

To be continued…

Posted by telepono at 7:17 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment