Para kay Mikaela
May 14, 2009Ang akdang “Telepono” ay isinulat para sa isang malapit na kaibigan na itatago ko sa pangalang Mikaela. Ang orihinal na tala at usapan sa pagitan nilang dalawa ni Leo ay ginamit para mabuo ang akdang ito, at kung hindi dahil sa kanilang dalawa, wala rin ang “Telepono”. Hiningi ko ang permiso ni Mikaela para isulat ang akdang ito base sa mga naisulat sa talaarawan.
Mikaela at Leo. Sana magustuhan ninyo ang akdang ito. At sana ay maging masaya kayo sa buhay, saan man kayo dalhin nito.


