Diary Entry #11: Second Chance
June 9, 2009*Mikaela’s Point-of-View*
Sweldo day today kaya naman punta ako sa mall para mag-grocery after work. Pagkatapos kong bilhin ang mga dapat kong bilhin, punta agad ako sa isang fastfood para kumain ng dinner.
Medyo madaming tao na sa pinuntahan kong fastfood kaya naman naisip ko munang maghanap ng mauupuan bago ako mag-order. Mabigat naman din kasi ang dala kong dalawang bag ng groceries.
Habang naglilibot, napansin ko yung isang grupo na nagtatawanan sa isang gilid. Suot kasi nila yung uniform ng Aeronautics school na pinapasukan ni Leo. Nagulat ako ng marinig kong tawagin ako ng isa sa kanila noong dumaan ako sa table nila.
“Mika?”
Lumingon ako at saka ko lang napansin ang lalaking nakaupo malapit sa bintana. “Leo?”
“Mika! What a nice surprise! Halika, ipapakilala kita sa mga friends ko.” He was smiling as he stood, and his voice told me that he was really happy to see me there. “Mika, these are my friends from the Aeronautics team.” Isa-isa niyang pinakilala sa akin ang mga friends niya. “This is Shane. And that one is Arthur. At eto namang makulit na ito ay si Kevin. This was the guy that saved my life.”
Both Shane and Arthur gave a polite “Hi”. Si Kevin naman, tumayo at nakipag-kamay sa akin. “It’s nice to finally meet you, Mika. Lagi kang kinukwento sa amin nitong si Pareng Leo eh.” He said, grinning afterwards.
“Ah, okay.” Sabi ko habang nakikipag-shake hands sa kanya. Napansin kong biglang bumungisngis sina Shane at Arthur as Leo gave dagger looks to Kevin.
“Um, Mika, kumain ka na ba? Why don’t you join us?” Leo invited, moving away from his seat.
“Ay, naku wag na. Baka nakakaistorbo pa ako sa inyo.” Sagot ko.
“Ah hindi naman, miss. Sa totoo lang, paalis na kaming tatlo nila Arthur eh. Di ba guys?” I caught him winking to the other two who was sitting across him and Leo.
“Ha? Ano? Ah, oo tama. Tama. Paalis na kami. Di ba Arthur?” sagot ni Shane sabay siko kay Arthur.
“Oo… Oo… Kailangan ko pa palang mag-review para sa exam ko bukas. Sige una na kami ha, Leo?”
“Ha? Anong exam sinasabi mo? Wala naman tayong pasok bukas ha?” Leo frowned.
Pero nagmamadali nang tumayo at umalis ang tatlo, still with a big grin on their faces. “Kaya mo yan, pre! This is your chance!” sabi ni Kevin sabay tapik sa shoulder ni Leo.
“What the—Bumalik kayo dito! Hoy!” Leo protested.
Ang lakas ng tawanan nila habang lumalabas ng fastfood. Kumaway pa sila ng pang-asar bago tuluyan umalis. “See you tomorrow, Leo!”
“May pasok kayo bukas?” I asked.
“Wala naman. Ewan ko ba dun sa mga yun. Mga sira-ulo talaga.” He turned to me and asked. “Akin na nga yan. Kumain ka na ba?” Kinuha niya yung dalawang bag mula sa kamay ko at nilagay sa pwesto na iniwanan nila Arthur at Shane.
“Umm, hindi pa eh.” I said “Teka, bibili muna ako.”
“Ako na. Umupo ka na lang dyan. Sabihin mo sa waiter pakilinis yung table, okay?”
“Hindi na. Ako na Leo.” I protested, but he ignored me and went to the line at the counter. Wala na akong nagawa kungdi tawagin yung waiter para linisin yung table na kinainan nila. Hindi ko rin naman maiwan yung table kasi iniwan ni Leo ang bag niya. Eh kung me magnakaw noon? Ako pa may kasalanan.
Teka… di ko nasabi kay Leo kung ano ang order ko ah? Ah, di bale na nga. Pag di ko nagustuhan, e di sya na lang kumain. Pera naman niya yun eh.
Habang nililinis ang table namin, I began to look around and realized na Japanese fastfood pala ang pinasukan ko. Suddenly, I remembered Carl. He always took me to a Japanese fastfood or restaurant when we go on a date. Para daw masanay ako sa Japanese food before we go to Japan.
Sadly, di na matutuloy yung trip to Japan na yun. Pinacancel ko na yung ticket ko at tinago ko na yung Visa ko.
Halos 2 months na simula ng huli kaming nagkita at nag-usap ni Carl. Ever since we broke up, I was not able to hear anything from him. Masakit pa rin tuwing naalala ko, pero di na katulad ng dati. The first weeks after the breakup were Hell. I would break down and cry at every single thing that reminded me of Carl. Para makalimot sa heartbreak ko, nilunod ko na lang ang sarili ko sa trabaho. Malaking tulong din na laging andyan ang friends and family ko to support me. They were the ones who helped me pick myself up and move on with my life.
Sa totoo lang, kung hindi ako pinuntahan ni Leo nung gabing yun, malamang nagpakamatay na ako. Back then, Carl was my very life. So without him, I feel like I would die and that my life was meaningless. But for the next few hours of that evening, Leo made me forget about my heartache, and I realized that there was more to my life before and after Carl. Everything that I had before were still here and killing myself would get me nowhere. I could still live. I could still reach my dreams. Even with him out of my life.
When I woke up after that night, there was barely any sign that Leo and I had camped there. Last thing I remembered, I was sleeping beside Leo under the window. Pero pag gising ko, nandito na ako sa kama natutulog. Paglabas ko ng kwarto, nasa kitchen si Kuya, kumakain ng breakfast. Tinanong ko kung nasaan sina Leo at Din-din. Sabi niya, umalis daw nung pinalayas ko sila. So I thought that maybe, what had happened last night had been a dream. I went back to my room to change my clothes. Bago ako lumabas ulit ay dinaanan ko ang bintana kung saan ako nakatulog kagabi.
And I noticed the muddy footprints on the windowsill and on the carpet underneath the window. It was all the evidence I needed. Leo had been in my room last night to comfort me. Just remembering it made me smile.
Coz technically, me being here… I owe it all to Leo.
Speaking of which…
“Sorry, Mika. Ubos na daw ang red ice tea nila eh. Kaya large Coke na lang ang kinuha ko.”
I was about to protest pero naalala ko. Si Carl lang naman ang nagsabi na di ako pwedeng uminom ng Coke eh. Ngayong wala na si Carl sa buhay ko, isn’t it about time for me to enjoy my favorite softdrink? “Anong inorder mo?”
“Beef misono*. Natikman mo na yun?”
“Yup. Yun nga ang orderin ko kanina eh.”
“Ah, I knew you’d like it. You always love to eat beef.”
I smiled. He still remembers. Even the smallest things about me. “Ikaw? Di ka kakain?”
“Nag-order ako ng California Maki.”
I took out my wallet and gave P150 to Leo. “Teka, di ba P130 yung beef misono? Eto oh. Bigyan mo na lang ako ng twenty.”
“No need to pay me, Mika. It’s my treat.” He smiled.
“Talaga? Sigurado kang libre mo ito?”
He nodded. “Sige bahala ka. Wala akong utang sa iyo ako ah.”
He laughed at me, at maya maya lang tumawa na rin ako. It’s been a while since I last heard him laugh and I missed it.
Maya maya lang dumating na ang pagkain naming dalawa. Nagulat si Leo nang humingi ako ng chopsticks para sa akin. Syempre sanay na akong gumamit dahil nga lagi kaming kumakain ng Japanese food ni Carl. Pero di pa ako masyadong magaling, at nalalaglag pa rin yung kanin pag kumakain ako. Nag-away kami ni Leo dahil ayaw kong gumamit ng kutsara at tinidor. Ang kalat ko kasi kumain.
Nang maubos na ni Leo ang inorder niya na 8pcs. ng California Maki, pinanood na lang niya akong matapos kumain.
“Mika?”
“Hmm?”
“Umm… I… I’m not asking you anything… I… I know you still need time to get over your past relationship but–”
Alam ko na kung san papunta ang usapan. Pero alam ko na rin kung ano ang dapat kong isagot.
“I’m sorry, Leo… Pero… di ko pa kayang pumasok ulit isang sa relationship… Not yet… I hope you understand…”
“Hindi naman yun ang gusto kong sabihin…” he murmured.
Tahimik kong tinapos ang pagkain. Leo felt a bit uneasy after the conversation, at pakiramdam ko, may mali na naman akong ginawa. I had hurt Leo again. Pero sinabi ko lang naman ang totoo. Di ko pa kayang pumasok ulit sa isang relationship ngayon. Di pa masyadong naghihilom ang sugat na iniwan sa akin ni Carl.
“It’s getting late. I better go.” Sabi ko.
“Ako na magdadala niyan.”
“Hindi ako na.”
“I insist.”
I sighed. Mabigat din naman yung groceries eh. Pinabayaan ko na lang siya dun sa isang plastic bag. Yung mas magaan ang dinala ko. Sabay na kaming naglakad papunta sa sakayan ng FX.
“Kamusta ka na?” he asked.
“Ok lang naman.” I answered, not looking at his face. “How about you?”
“Not ok.” He said.
I looked up at him, and saw the seriousness in his face. He refused to look at me as he spoke. “I am with the person I love and I cannot do a thing to make her happy.”
I fell silent. Di ko alam kung paano ko sasagutin yun.
Medyo malapit na kami sa sakayan. Pagdating doon, pwede na kaming maghiwalay ni Leo. Honestly, nalulungkot ako dahil doon. Nang biglang…
“Eto pala… Eto pala ang dahilan kung bakit wala ka nang pakialam sa akin, Mikaela…”
Pareho kaming nagulat ni Leo at sabay kaming tumingin sa may-ari ng boses.
“Carl…” I whispered.
“Kaya pala parang wala lang sa iyo yung nangyari sa atin! Hinihintay mo lang na bitawan kita para bumalik ka na dyan sa lalake mo!” Carl yelled.
“No, Carl. You don’t understand. Nagkataon lang na nandito si Leo—“
“SHUT UP! Kung talagang mahal mo pa ako, sumama ka na sa akin ngayon, Mikaela.”
I stepped back. No… I don’t want to see him right now when I am starting to get over him. I’m not just ready to face him right now.
“Please, Mikaela. Sumama ka na sa akin. Sobrang nahihirapan na ako na magkalayo tayo ng ganito. Tigilan na natin ito, Mikaela. Bumalik ka na sa akin, please? Ako naman talaga ang mahal mo hindi ba.”
Di ko na napigilan umiyak. “Carl… Please… Stop it.”
“Mikaela… I’m sorry for whatever I said to you. I love you. I still love you.”
I was confused again. Do I really want him back? Am I ready to suffer the same fate I suffered before? No.
“Stop it, Carl. Okay? I… I’ve thought it over… I-I don’t want to go back with you anymore.”
“But, Mikaela… I love you. Please give me a second chance.” He said softly.
“I’m sick of this, Carl. Sukang-suka na ako. Noong tayo pa, halos araw-araw na lang tayo nag-aaway sa mga parehong bagay. Lagi ka na lang may pinagseselosan. Lagi ka na lang nagagalit sa akin pag may kausap akong iba. Gusto mo lahat ng oras ko sa iyo na lang… At anong nangyari sa akin, Carl? After all I did… After all that… You still thought that I was being unfaithful and uncaring. Ayoko na Carl. Ayoko na. If there is one thing that I realized when we broke up, it’s that I had loved you too much. At nabulag ako ng pagmamahal ko sa iyo, Carl. Pero di na ngayon. Hindi ko kayang magmahal ng isang tao na di marunong magtiwala sa akin.”
“Halika na, Mikaela!” He became angry again and tried to grab my hand. But Leo blocked his move, preventing Carl from taking my hand.
“The girl said ‘no.’” Leo muttered. At the tone of his voice, alam kong nagpipigil ng galit itong si Leo.
“IKAW!” sigaw ni Carl sabay suntok sa mukha ni Leo.
Buti na lang at nakailag si Leo. Akala ko mababagsakan niya ako so I screamed. “Mika!” Leo yelled.
Bumwelo ulit si Carl para pangalawang suntok, pero naunahan siya ni Leo this time. Leo’s right fist connected with Carl’s left cheek. Carl staggered back, dazed with the strength of Leo’s punch. Blood began to trickle down Carl’s lips as Leo stepped back, shielding me from Carl.
Aatake pa sana si Carl pero naunahan na siyang pigilan ng mga security guard ng mall. Pumapalag pa rin si Carl kahit 3 security guard na ang pumipigil sa kaniya. Dinala kaming tatlo sa mall administrator kung saan kinausap kami ng Head Security habang ginagamot sina Carl at Leo. When all has been settled, pinauna na kaming umuwi ni Leo, habang si Carl, magdamag na natulog doon sa security area.
Nasira yung ibang pinamili kong groceries dahil naipit noong nag-sapakan sina Leo at Carl, kaya naman dumaan muna kami sa isang convenience store kung saan pinalitan ni Leo yung mga items na nabasag at nasira. Pagkatapos noon ay hinatid niya ako hanggang sa bahay. Nagulat si Kuya dahil kasama ko si Leo pag-uwi, pero di na siya nagtaka. He even welcomed Leo inside and we all had dinner together. After that, Kuya offered that Leo stay over in the night. Mga 11 pm na rin kasi. Pero ayaw ni Leo, kaya naman sinamahan na lang siya ni Kuya hanggang sa sakayan.
And while I was alone in the house, saka lang nag sink in sa akin kung ano ang nangyari.
Kahit na nag makaawa sa akin si Carl… kahit na nag-offer na syang magbalikan kami…
Hindi ako pumayag.
Maybe its because I don’t love Carl anymore.
To be continued…
~ @ ~ @ ~ @ ~
Footnote:
*Para po sa mga di pa nakakakain ng Japanese food, eto po ang hitsura ng Beef Misono. Para lang siyang ginisang Beef. Kuha po yan ng Beef Misono meal sa Tokyo Tokyo. (Picture is not mine.)


